joy_imbas: Magulo!Tahimik Ilalaan Ko Ayoko na,ayoko na sa buhay na ganito Ang buhay na sadyang pinakatatangi ko Magulo,hindi ko maintindihan ang mundo Marami na talagang nangyayari sa ibabaw na ito Pagmulat ko,gabi na agad ang lumarawan sa paningin ko Mga gabing nagbibigay takot sa mga tao Paglakad,pagtawid, lakas ng loob ang kailangan mo Dahil di mo alam kung anong klase ang kinaroroonan mo Umaga,bukas na maraming naghahanap Malayong paglalakbay ang kinakaharap Mga tao sadyang naghihirap Pangako na nagpaiyak sa pusong may pinapangarap Hawakan mo,mga bakal na ginawa ng tao Matigas,kulungang hindi ka makakalabas Patayin mo,hindi na aalpas Mga magulang,umiiyak sa sakit ng damdamin sa itaas Umupo ka,baka matumba ka Bilisan mo baka mawalan ka Tignan mong maigi baka masaktan ka Magsalita ka dahil baka iwan ka na nang pag-asa Turuan mo,mga kapatid mo sa mundo Kabutihan ang itatak mo sa isipan ng mga ito Umuusbong na kaisipan,umuusbong na klinawanagan Mga bata huwag kayong lumingon sa inyong likuran Kaliwa,kanan,huwag baka magkamali ka ng dinadaanan Likod,harap,ituloy mo baka ito na ang kalutasan Mga pangarap na di mo maiwan-iwan Tumingin ka sa itaas,dios lang ang laging andyan Di mo ba maintindihan ang katotohanan Damhin mo,umiyak ka,idaing mo Mahal ko,lumaban ka,andyan sa iyo ang hustisya ko Pumatak man ang iyong dugo,tumayo ka at itaas mo ang bandila nating pilipino Ama ko,itaguyod mo ang sinisintang inang bayan Damdamin nya di na maatim ng kasukdulan O anghel bumaba ka,kunin mo na kaming sinasakdal ng katanungan Tahimik na buhay sa paraiso lamang matitikman |
||
|